Tuesday, January 10, 2017

Pinoy picture compilation

Maligayang bagong taon sa inyong lahat! Happy New Year to you all!

Isang eksena sa America:

Napansin nung Uncle na yung kaniyang pamangkin na bagong salta sa America ay umiiyak sa tabi ng kaniyang nakatumbang bisikleta sa tabing daan. Tanong nung Tiyo, “Hijo, bakit ka umiiyak?”

Sagot nung pamangkin, “Angkol, Angkol…” Madaling kinorek nung Uncle yung kaniyang pamangkin, “Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol… Angkel!”

Tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikol…” Madali muling kinorek nung Uncle yung kaniyang pamangkin, “Hijo, nasa America ka na. hindi Bysikol ang tawag diyan… Bysikel”.

Muling tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol…” Madali na namang kinorek nung Uncle, “Hijo, hindi Papsikol – Papsikel!”

Ganuon po ba Angkel? Tapos, tinuloy ng pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikel, to buy some Papsikel… en den, en den I pel… now I heb a Bukel…”


from: http://pinoyjokes.net/main/ang-tamang-pronunciation-daw/
==================================================

Alaga: Yaya look boats!
Yaya: Dows are not boats, deyr yatchts.
Alaga: Yaya spell yatch.
Yaya: yor rayt! deyr boats!
==================================

Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.

Pulubi: "Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako."

Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: "Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain".

Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas".

======================================================

Linggo ng hapon


Detective Alonte: Anong nangyari?
Inay: Namatay ang bata.
Detective Alonte: Anong ginagawa ninyo?
Inay: Nagluluto
Tatay: Nagtratrabaho
Kuya: Nanonood ng Showtime sa T.V.
Detective Alonte: Ang may sala ay ang kuya.
Inay: Bakit?
Detective Alonte: Dahil walang Showtime sa Linggo.???

By: Prince Alonte ;
http://pinoyjokes.net/main/sino-ang-pumatay/
=================================================