Wednesday, November 23, 2016

Pinoy jokes 12, 2016

BOY: Babes alam mo ikaw ang susi ng puso ko.
GIRL: Talaga lang ha! Eh sino ung kasama mo kahapon? 
BOY: DUPLICATE.
============================

Girl nangungulangot sa jeep... 
LOLA: Anong kinukuha mo ineng? 
GIRL: Nursing po. 
LOLA: Ah, kala ko kulangot.
============================

TEACHER: Ano ang sagot sa bugtong na ito, "Ayan na, ayan na, hindi mo pa makita!" 
JUAN: Mam, mam, "TANGA?"
============================

JUAN: Waiter,isa ngang kape! 
WAITER: DECAF po ba? 
JUAN: Niloloko mo ba ako? Syempre naman, alangan namang dePLATE!
============================

GURO: Class, sagutin ang bugtong na ito: "Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo." 
JUAN: Mam, mam, "BOBO" po!
============================

TITSER: Bochong, ano ang past tense ng laba?
BOCHONG: Naglaba po mam!
TITSER: Good! Gloria! Ano ang present tense ng laba?
GLORIA: Naglalaba po!
TITSER: Very good! Juan! Ano ang future tense ng laba?
JUAN: Magsasampay mam!
=============================

JUAN: Pare, nanood ako ng sine, mahigit P2,000 nagastos ko!
PEDRO: Bakit?
JUAN: Paano tuwing bibili ako ng ticket, pinupunit nung ale sa pinto!
=============================
pinoy, tagalog, pilipino, filipino

Saturday, November 5, 2016

Pinoy Jokes 11, 2016

KRIMINAL1: Pare, dito ba talaga pupunta yung papatayin natin?
KRIMINAL2: Oo pare, ang tagal nga eh. Sana walang nangyaring masama sa kanya.

================================
Boy: gusto ko po maging nobya ng anak niyo.
Nanay: bakit kaya mo ba siyang buhayin?
Boy: bakit… Patay na po ba siya?

================================

Sa loob ng classroom...

KINDER: Mam! Pag pinaghalo po ba ang Surf at Tide, bubula?
TEACHER: Oo naman. Parehas na pang laba yun eh.
KINDER: Ok po! (Bumulong sa classmate)... Tanga ni mam no? Wala pa ngang tubig eh, excited?! Sayang tuition natin dito.
================================

ANAK: May dumarating na darko!
TATAY: Ano ka ba naman lakilaki mo na bulol ka pa rin. Dapor ang tawag dun!
NANAY: Hay! Ano ba naman kayong mag-ama. Dangka un!
=================================

Sa party,nilapitan ng isang gwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo sa isang tabi...

BOY: Sasayaw ka ba? (tuwang tuwa ang babae at tumayo)
GIRL: Oo, sasayaw ako!
BOY: Hay salamat! Paupo ako ah?
==================================

pinoy, tagalog, Filipino, Pilipino