Tuesday, October 18, 2016

Pinoy jokes 10, 2016

Bilib na talaga ako sa mga computer tecnician

May Computer Technician na matagal ng hindi makahanap ng trabaho....kaya ang ginawa nya...nagtayo sya ng medical clinic at naglagay ng karatula sa labas.....magpacheck up sa halagang 500,,,,kapag hindi ka gumaling babayaran kita ng 1,000!!


May isang doktor ang nakakita sa karatula at naisip na magpacheck up....gusto nya utakan ang Computer Technician para kumita sya ng 1,000,,,easy money sabi nya,,,,hehehe!

Doktor: "Magpapacheck up ako,,,Nawalan ako ng panlasa,,,,
Computer Technician: nurse, dalhin mo dito ang gamot sa box 22 at patakan mo ng tatlong patak sa bibig ang pasyente....
Doktor: e gasolina to ah!
Computer Technician: congratulation! Bumalik na ang panlasa mo...500 lng ang bayad para dun....

Bad trip ang doktor,,,nautakan sya,,,,kaya makalipas ang ilang araw bumalik sya para mabawi ang pera nya,,,,nagpacheck up ulit sya,,,,
Doktor: nawalan ako ng alaala,,,wala nkong matandaan kahit na ano....

Computer Technician: nurse dalhin mo dito ang gamot sa box 22 at patakan mo ng tatlong patak sa bibig ang pasyente...
Doktor: teka lng! Yan yung pinatak mo sken dati eh! Gasolina yan eh!
Computer Technician: congratulations! Bumalik na ang alaala mo....500 lng ang bayad dun....

Umalis ang doktor na galit na galit....makalipas ang isang linggo bumalik sya ulit....
Doktor: malabo na ang mata ko...hindi nako maka aninag ng kahit na ano....

Computer Technician: wala akong gamot para jan.....eto ang 1,000....
Doktor: e 500 lng to ah!
Computer Technician: congratulations! Malinaw na ang iyong paningin....500 lng ang bayad dun....
===============================

Joke Taym sa Senate Hearing :D

De lima: So sinasabi mo na si Mayor Duterte ang pumatay sa mga biktima?
Witness: Opo, sya po ang pumatay your Honor.
De lima: Kilala mo ba yung mga pinatay?
Witness: Opo. kilala ko po sila your Honor.
De lima: Pwede mo ba ibigay ang mga pangalan nila?
Witness: Hindi po pwede your Honor!
De lima: bakit naman hindi pwede?
Witness: Baka po kasi manganib ang mga buhay nila.
De lima: Ah. Oo nga naman.
 what a joke!!!!!!

=============================

WITNESS: Pinagbabaril na po namin yung lalake at tinuluyan na po siya ni Mayor Duterte dahil buhay pa pagdating niya.
SENATOR CAYETANO: Ilan kayong bumaril bago dumating si Mayor?
WITNESS: Marami po kami. Parang nasa 30 po.
SENATOR CAYETANO: 30 kayong bumaril pero buhay pa? Ano nga ulit ang pangalan ng pinagbabaril nyo?
WITNESS: Goku po.

=============================
pinoy, tagalog, Filipino, Pilipino

No comments: