Wednesday, October 16, 2013

Pinoy jokes 04, 2013



Teng: Me ka eyeball ako mamya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi niya may kahawig daw siyang artista! “Sha” daw ang palayaw nya! Excited na ako!
Tong: Jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta kahawig niya!

(Pagbalik galing eyeball)

Tong: O kumusta na pare? Bakit malungkot ka ata?
Teng: DioniSHA pare! DioniSHA! Huhuhuhuhu
 ==========================================

Kamatayan: Hawakan mo ang kamay ko.
Teng: Ayoko nga! Kilala kita! Ikaw si kamatayan and alam ko if I touch you, I will die!
Kamtayan: Grabe! Ang talino mo naman talaga!
Teng: sinabi mo! Ako pa!
Kamatayan: Apir!
Teng: Apir!
 ==========================================
Pedro: Hart anong ulam!
Hart: Andyan sa mesa, nakatakip, ikaw na bahalang pumili.
Pedro: (inalis ang takip) Anong pagpipilian eh iisang pirasong tuyo ito?
Hart: swithart ikaw na bahalang pumili kung kakain ka ba o hindi.
 ==========================================
Pong: Ano ang mas mahalaga, pera o asawa?
Ampoy: Syempre ang pera! Kasi anf pera habang tumatagal lumalaki ang interes. Ang asawa habang tumatagal, nawawalan ng interes at inuubos pa pera mo.
 ==========================================
Ahas3: Makamandag ba tayo?
Ahas4: Ewan, di ko alam. Bakit mo naman natanong?
Ahas3: Eh kasi nakagat ko dila ko kanina. Kinakabahan ako eh.

No comments: