Tuesday, December 22, 2009

Pinoy jokes 1 - December

pinoy jokes, pinoy, tagalog jokes, tagalog,
Sulat ni itay

Minamahal kong anak,

Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong mabagal kang magbasa.Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatiraang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulansa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YA! LE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay,akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor .

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang! 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod. Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung
babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero naguguluhan ako.Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga depasaherong bus, eh, yung Panty Liner bus din ba yun? Saan ang Terminal nila?

At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at nakalimutan kong banggitin sa iyo taga Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan ako sa TV ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko nas! agot.... ikaw anak alam mo?

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Love,
Tatay

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang
envelope. Next time na lang ha..
==================================================

Maalaala Mo Kaya

Huwag Po Itay....

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.
pinoy jokes, pinoy, tagalog jokes, tagalog,
Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon . Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako.

"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,

BADONG Kiss

heto po ang ganda ko ngayon..



picture is not mine...
pinoy jokes, pinoy, tagalog jokes, tagalog,
==================================================

No comments: