Friday, October 30, 2009

Pinoy jokes 2 - Oct

Si Juan na isang accountant ay napilitang mag apply ng trabaho sa isang maliit na kumpanya dahil matagal na siyang tambay.
tagalog jokes, tagalog, pinoy jokes, pinoy,
Ngayon ang araw ng kanyang interview. Nalaman nya sa secretary na problemado ang may-ari ng kumpanya at sya ang mag-iinterview kay Juan.

May-ari: (mukhang problemado) Ahhh....Mr. Juan dela Cruz, please come in and have a seat.
Juan: Thank you very much, Sir! (medyo kinakabahan.)
May-ari: Alam mo, talagang kailangang-kailangan ko ng accountant ngayon dahil masyado na akong namomroblema sa dami ng aking mga iniisip dahil lumalaki itong kumpanya. Gusto ko ng accountant para siya na ang mamroblema sa financials ng kompanya at handa ko syang paswelduhin ng sandaang libong piso bawat buwan.

Nagulat at natuwa si Juan dahil sa laki ng sweldong ibibigay ng may-ari. Kaya't sya'y nagpakitang gilas.

Juan: Kung gayon, handa po akong tanggapin kahit anong problemang nais nyong problemahin ko. tagalog jokes, tagalog, pinoy jokes, pinoy,
May-ari: Sige, tanggap ka na at pwede ka nang mag-umpisa sa lalong madaling panahon.
Juan: (Tuwang-tuwa) Sir, nagtataka lang po ako kung bakit kaya nyong magpasweldo ng ganoong kalaki gayong maliit lang po itong kumpanya natin?
May-ari: Yan ang una mong problema!
==================================================
Bata, kinagat ng langgam, patay! Namatay na ang isang batang lalaki na naaksidente matapos kagatin ng langgam. Ayon sa pulisya tumatawid sa kalye ang bata nang kagatin ng langgam sa paa. Yumuko ang bata para tirisin ang langgam kaya hindi niya napansin ang dumarating na taxi na nakabundol sa kanya.
==================================================
Bagong salta sa Manila si Ambo atfirst time na nag-taxi. Pag-upo sa taxi ay sampung piso agad ang unang patak ng metro. Napatayo siya upang kunin ang pitaka sa likurang bulsa at tingnan kung may sapat siyang pera. Naging dalawang piso naman ang sumunod na patak ng metro. Napansin ng driver na nakatayo pa rin si Ambo.

Driver - Sir, upo muna kayo at malayo pang biyahe natin.
Ambo - E, sampung piso ang patak ng metro pagnakaupo at dalawang piso lang pagnakatayo. Tatayo na lang ako para makatipid.

tagalog jokes, tagalog, pinoy jokes, pinoy,

No comments: