Friday, October 30, 2009

Pinoy jokes 2 - Oct

Si Juan na isang accountant ay napilitang mag apply ng trabaho sa isang maliit na kumpanya dahil matagal na siyang tambay.
tagalog jokes, tagalog, pinoy jokes, pinoy,
Ngayon ang araw ng kanyang interview. Nalaman nya sa secretary na problemado ang may-ari ng kumpanya at sya ang mag-iinterview kay Juan.

May-ari: (mukhang problemado) Ahhh....Mr. Juan dela Cruz, please come in and have a seat.
Juan: Thank you very much, Sir! (medyo kinakabahan.)
May-ari: Alam mo, talagang kailangang-kailangan ko ng accountant ngayon dahil masyado na akong namomroblema sa dami ng aking mga iniisip dahil lumalaki itong kumpanya. Gusto ko ng accountant para siya na ang mamroblema sa financials ng kompanya at handa ko syang paswelduhin ng sandaang libong piso bawat buwan.

Nagulat at natuwa si Juan dahil sa laki ng sweldong ibibigay ng may-ari. Kaya't sya'y nagpakitang gilas.

Juan: Kung gayon, handa po akong tanggapin kahit anong problemang nais nyong problemahin ko. tagalog jokes, tagalog, pinoy jokes, pinoy,
May-ari: Sige, tanggap ka na at pwede ka nang mag-umpisa sa lalong madaling panahon.
Juan: (Tuwang-tuwa) Sir, nagtataka lang po ako kung bakit kaya nyong magpasweldo ng ganoong kalaki gayong maliit lang po itong kumpanya natin?
May-ari: Yan ang una mong problema!
==================================================
Bata, kinagat ng langgam, patay! Namatay na ang isang batang lalaki na naaksidente matapos kagatin ng langgam. Ayon sa pulisya tumatawid sa kalye ang bata nang kagatin ng langgam sa paa. Yumuko ang bata para tirisin ang langgam kaya hindi niya napansin ang dumarating na taxi na nakabundol sa kanya.
==================================================
Bagong salta sa Manila si Ambo atfirst time na nag-taxi. Pag-upo sa taxi ay sampung piso agad ang unang patak ng metro. Napatayo siya upang kunin ang pitaka sa likurang bulsa at tingnan kung may sapat siyang pera. Naging dalawang piso naman ang sumunod na patak ng metro. Napansin ng driver na nakatayo pa rin si Ambo.

Driver - Sir, upo muna kayo at malayo pang biyahe natin.
Ambo - E, sampung piso ang patak ng metro pagnakaupo at dalawang piso lang pagnakatayo. Tatayo na lang ako para makatipid.

tagalog jokes, tagalog, pinoy jokes, pinoy,

Monday, October 5, 2009

Pinoy jokes 1 - October

pinoy jokes, pinoy, tagalog jokes, tagalog,
Driver: yung mga pangit pwede ng bumaba. may checkpoint kasi sa unahahan.
pabor lang.
Pasahero: tapos kuya? sino na pong magddrive ngayun?
+++++++===========================================

Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama ang kanya asawa for moral support.

Dahil napatunayan siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.

"Ginang, dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito. Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa rito?" ang hatol at tanong ng judge.

"Opo", sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.

Biglang tumayo ang asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".

"Dahil sa misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng judge.

Mabilis namang lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw din po siya ng de lata ng green peas!"
====================================================

"Habang pinapanood mong inumin ang kapeng may lason ng asawa mo, hindi ka man lang ba naawa sa kanya kahit isang beses?" tanong ng abogado sa
babaeng nasasakdal.
pinoy jokes, pinoy, tagalog jokes, tagalog,
"Naawa naman po," sagot ng babae.

"At kailan `yon?"

"Nu'ng humingi siya ng isa pang tasa ng kape."
===================================================
MISTER: (SHOUTING!) Honey, mag-empake ka na,
nanalo ako sa lotto.
===================================================
titser: ang pangit naman ng name mo "conrado domingo" in short "Condom"
Pupil: ok lang po yun mam, kesa naman sa asawa nyo "Supremo Potenciano"
in short "SUPOT"

===================================================

MISTER: (SHOUTING!) Honey, mag-empake ka na,
nanalo ako sa lotto.
MISIS: Wow! Anong dadalhin ko?
MISTER: Wala akong pakialam, basta lumayas ka na!
pinoy jokes, pinoy, tagalog jokes, tagalog,
===================================================