Sunday, February 1, 2009

pinoy jokes 1 - feb

Divorce kuno
pinoy, pinoy jokes, tagalog joke, tagalog jokes,
Kumakain sa restaurant ang mag-asawa nang may dumaan na magandang dilag, nakipag-usap sa lalaki at hinalikan niya ito sa pisngi bago sila iniwan.

"Sino iyon?" tanong ng babae.
"Kung kailangan mo talagang malaman, siya ang kabit ko," sagot ng lalaki.
"Napakasama mo! Ipinakita mo pa sa akin ang kabit mo! Bukas na bukas din, magpa-file ako ng divorce!"

"Sige, iiwan mo ako? Pati ang mga alahas mo, ang dalawa mong Mercedes Benz, ang mga damit mo pati na ang bahay-bakasyunan natin sa Baguio, Palawan at Hong Kong?"
Natigatig ang babae. Maya-maya, may nakita silang pangit na babaeng dumaan at kumaway sa lalaki at nagtanong na naman ang babae.

"Sino naman `yon?" tanong ng nagtitimping misis.
"Kabit ni Kumpareng Boy."
Nangiti ang misis. "Mas magandang ` di hamak ang kabit natin kaysa sa kanya, `no?"
=================================================
pinoy, pinoy jokes, tagalog joke, tagalog jokes,
Takbong pumasok ng bahay si Totoy. Pagud na pagod, pero masayang-masaya. Nagmayabang pa sa ina.

"Nay! Nay! Nakatipid ako ng singko pesos."

"Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.

"Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako ng takbo. Kaya't nakatipid ako ng limampiso!"

"Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo, 'Di mas malaki sana ang natipid mo!"
=================================================
pinoy, pinoy jokes, tagalog joke, tagalog jokes,
Kahit walang bilib sa hula, sumubok si Pedro na magpahula.

"Dalawa ang anak mo ngayon," sabi ng manghuhula kay Pedro habang binabasa nito ang palad niya.

"iYon ang akala mo," sumbat ni Pedro. "Para sa iyong kaalaman, tatlo ang anak ko sa misis ko."

"iYon ang akala mo," singhal naman ng manghuhula.
===============================================


MISTER: Kung hindi sa pera ko hindi ka makakatira sa ganitong kalaking bahay!
MISIS: Hoy, kung di rin dahil sa pera mo wala rin ako rito!

===============================================

No comments: