Thursday, April 6, 2017

Pinoy Jokes 13, 2017

Mommy: Anak bakit my zero sa kamay mo? di ka ba nakasagot sa kaya binigyan ka ng zero?
Anak: Mommy di po zero yan, moon yan. Sabi ni teacher naubusan na daw ng star kaya moon na lang.
==============================================

Girl1: nag-dinner kami ng bf ko kagabi, grabe! na-impressed ako! Ang laki ng resto at ang dami pang choices.
Girl2: talaga?! Ano pangalan ng resto?
Girl1: Foodcourt!
===============================

ANAK: Itay, masama ang pakiramdam ko.
ITAY: Aba, mataas ang lagnat mo! Patitingnan kita sa doktor.
ANAK: Itay, nakakatamad. Kung titingnan lang niya ako; ipadala nyo na lang ang litrato ko.
===============================

"Napanaginipan kita kagabi. Nakaupo sa tabi ng ilog, nag-iisa at mukhang mabigat ang loob.
Lalapitan sana kita at yayakapin. Pero bigla kang tumayo...
at naghugas ng puwet."
===============================


from: https://www.buzzfeed.com/mattortile/first-things-first-im-the-riles?utm_term=.mireLWg9ew#.cf51oO6A1l

Thursday, February 9, 2017

Pinoy pictures compilation

These images are not mine. These are complied from different sites in the internet and are publicly shared. If you want a post or posts to be taken down because it is yours please let me know.


Ang dali siguro magbigay ng pangalan kung ganito ano. At tsaka nakakatawa. Kubeta, likuran, QC circle, sinehan, MOA, SM, simbahan, combento, flyover ibabaw, flyover itaas, Bus, jeep, canteen, kusina, hagdanan, ....interesting names di ba?


nako kung maging totoo ito akoy isa na ring tambay. haha


hahaha you'll never know si junior ay nagmamahal na.hahaha

 Ewan ko ba bakit sunod ng sunod ang mga ito sa uso. Di naman bagay sa kanila at tsaka di naman for beauty sake ang pagkakaron ng braces. It is to correct usually ang alignment ng ngipin. hay naku hayan tsinito at nakabraces.

Tuesday, January 10, 2017

Pinoy picture compilation

Maligayang bagong taon sa inyong lahat! Happy New Year to you all!

Isang eksena sa America:

Napansin nung Uncle na yung kaniyang pamangkin na bagong salta sa America ay umiiyak sa tabi ng kaniyang nakatumbang bisikleta sa tabing daan. Tanong nung Tiyo, “Hijo, bakit ka umiiyak?”

Sagot nung pamangkin, “Angkol, Angkol…” Madaling kinorek nung Uncle yung kaniyang pamangkin, “Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol… Angkel!”

Tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikol…” Madali muling kinorek nung Uncle yung kaniyang pamangkin, “Hijo, nasa America ka na. hindi Bysikol ang tawag diyan… Bysikel”.

Muling tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol…” Madali na namang kinorek nung Uncle, “Hijo, hindi Papsikol – Papsikel!”

Ganuon po ba Angkel? Tapos, tinuloy ng pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikel, to buy some Papsikel… en den, en den I pel… now I heb a Bukel…”


from: http://pinoyjokes.net/main/ang-tamang-pronunciation-daw/
==================================================

Alaga: Yaya look boats!
Yaya: Dows are not boats, deyr yatchts.
Alaga: Yaya spell yatch.
Yaya: yor rayt! deyr boats!
==================================

Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.

Pulubi: "Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako."

Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: "Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain".

Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas".

======================================================

Linggo ng hapon


Detective Alonte: Anong nangyari?
Inay: Namatay ang bata.
Detective Alonte: Anong ginagawa ninyo?
Inay: Nagluluto
Tatay: Nagtratrabaho
Kuya: Nanonood ng Showtime sa T.V.
Detective Alonte: Ang may sala ay ang kuya.
Inay: Bakit?
Detective Alonte: Dahil walang Showtime sa Linggo.???

By: Prince Alonte ;
http://pinoyjokes.net/main/sino-ang-pumatay/
=================================================



Wednesday, November 23, 2016

Pinoy jokes 12, 2016

BOY: Babes alam mo ikaw ang susi ng puso ko.
GIRL: Talaga lang ha! Eh sino ung kasama mo kahapon? 
BOY: DUPLICATE.
============================

Girl nangungulangot sa jeep... 
LOLA: Anong kinukuha mo ineng? 
GIRL: Nursing po. 
LOLA: Ah, kala ko kulangot.
============================

TEACHER: Ano ang sagot sa bugtong na ito, "Ayan na, ayan na, hindi mo pa makita!" 
JUAN: Mam, mam, "TANGA?"
============================

JUAN: Waiter,isa ngang kape! 
WAITER: DECAF po ba? 
JUAN: Niloloko mo ba ako? Syempre naman, alangan namang dePLATE!
============================

GURO: Class, sagutin ang bugtong na ito: "Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo." 
JUAN: Mam, mam, "BOBO" po!
============================

TITSER: Bochong, ano ang past tense ng laba?
BOCHONG: Naglaba po mam!
TITSER: Good! Gloria! Ano ang present tense ng laba?
GLORIA: Naglalaba po!
TITSER: Very good! Juan! Ano ang future tense ng laba?
JUAN: Magsasampay mam!
=============================

JUAN: Pare, nanood ako ng sine, mahigit P2,000 nagastos ko!
PEDRO: Bakit?
JUAN: Paano tuwing bibili ako ng ticket, pinupunit nung ale sa pinto!
=============================
pinoy, tagalog, pilipino, filipino

Saturday, November 5, 2016

Pinoy Jokes 11, 2016

KRIMINAL1: Pare, dito ba talaga pupunta yung papatayin natin?
KRIMINAL2: Oo pare, ang tagal nga eh. Sana walang nangyaring masama sa kanya.

================================
Boy: gusto ko po maging nobya ng anak niyo.
Nanay: bakit kaya mo ba siyang buhayin?
Boy: bakit… Patay na po ba siya?

================================

Sa loob ng classroom...

KINDER: Mam! Pag pinaghalo po ba ang Surf at Tide, bubula?
TEACHER: Oo naman. Parehas na pang laba yun eh.
KINDER: Ok po! (Bumulong sa classmate)... Tanga ni mam no? Wala pa ngang tubig eh, excited?! Sayang tuition natin dito.
================================

ANAK: May dumarating na darko!
TATAY: Ano ka ba naman lakilaki mo na bulol ka pa rin. Dapor ang tawag dun!
NANAY: Hay! Ano ba naman kayong mag-ama. Dangka un!
=================================

Sa party,nilapitan ng isang gwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo sa isang tabi...

BOY: Sasayaw ka ba? (tuwang tuwa ang babae at tumayo)
GIRL: Oo, sasayaw ako!
BOY: Hay salamat! Paupo ako ah?
==================================

pinoy, tagalog, Filipino, Pilipino